Search
  • BULGAR

Janella, after bugbugin… JENINE, NAGSALITA NA SA DEMANDA RAW KAY ELMO

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAGSALITA na si Jenine Desiderio, ina ng controversial actress na si Janella Salvador, tungkol sa ginawang pambubugbog diumano ni Elmo Magalona sa kanyang anak.

Sinabi ni Jenine na kinumpirma ni Janella sa kanya personally ang nangyari. Pareho rin daw silang nagsi-seek ngayon ng professional help para malampasan ang trauma na dulot ng insidente.

Aniya, “Trauma. To overcome trauma. Siyempre, medyo hindi madali ‘yung pinagdaanan niya and we just want to make sure that she can cope.”

Inamin din ni Jenine na personal na humingi ng paumanhin sa kanya si Elmo.

Aniya, “In fairness, he apologized personally three weeks after the incident. After talking to the Star Magic people, he texted me asking me if he could talk to me. I granted his request. The following day, nagkita kami and ‘yun, we had a one-on-one.”

Dito rin daw ipinangako ni El­mo na gagawa siya ng public apology, pero hindi naman tinupad.

Sey ni Jenine, “That’s when he promised me about the public apology. That didn’t happen.”

Nang tanungin naman kung may plano ba silang mag­sampa ng kaso laban sa ex-BF ng kanyang anak, ang tanging naisagot ni Jenine ay, “I cannot answer that right now.”

Sa kabila ng bugbugan isyu nina Janella at Elmo, pinilit pa rin nilang ituloy ang kanilang show sa Canada at halatang-halata ang ilangan sa pagitan ng dalawa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.