- Jersey Sanchez
200 mass graves, natagpuan
NADISKUBRE ng mga awtoridad ang 200 mass graves na naglalaman ng libu-libong bangkay na iniwan ng grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Iraq.
Batay sa ulat, nasa pagitan ng 6,000 hanggang 12,000 bangkay ang laman ng mass graves na natagpuan.
Tinatayang 1,700 miyembro ng militar ang pinaslang ng grupong ISIS sa Camp Speicher massacre noong 2014.
Natagpuan sa lalawigan ng Salahuddin ang labi ng mga biktima ng massacre.
Ayon sa awtoridad, posibleng libu-libong bangkay pa ang itinapon sa Khasfa sinkhole.
Kasalukuyang 28 mass graves na ang narekober ng awtoridad kung saan nasa 1,258 mga labi ang narito.
Hinihikayat ng awtoridad na kilalanin ang mga biktima upang maibalik ang mga ito sa kanilang mga kamag-anak.