Yes, me ganu'n! AKTRES-BEAUTY QUEEN, LAGI NANG LATE, GUSTO PANG SOLO SA TENT, ISINUSUKA NG MGA K
- Nene Riego
- Nov 7, 2018
- 1 min read
BLIND ITEM:
Maraming nakatrabaho at production staff ang nababanas sa isang female star na maganda pero pangit ang ugali.
Lagi raw itong late sa call time at ang gusto’y solo siya sa artists’ tent o waiting area. Gusto rin nitong isang beses lang ang blocking at dialogue/script rehearsal.
To promote her forthcoming teledrama’y dapat siyang mag-guest sa ibang programs pero umaarte siyang may ibang sked. Eh, asked namin, bakit kinukuha pa siya sa magaganda at malalaking projects kung ganitong may attitude siya?
“May fan following ang bru at may kontrata siya sa mother network,” says our friend na head ng production department ng primetime dramas.
Clue? Taga-showbiz din ang BF ng ating subject na maganda, seksi at matangkad (kaya naging beauty queen).
Da hu? Wa’ na ‘ko buking!





Comments