- Joy Repol Asis
Principal tinangay din | 78 STUDENTS KINIDNAP SA ISKUL
80 katao ang dinukot sa paaralan sa Bameda, kapital ng north-west region sa Cameroon.
Ayon sa awtoridad, 78 rito ay pawang estudyante at tatlong iba pa kabilang ang principal ng paaralan.
Itinuturo ni Regional Governor Adolphe L’Afrique ang separatist militias na responsable sa nasabing pagdukot.
Noong nakaraang taon, inatake ng secessionist rebellion ang north-west at south-west region.
0 comments