Pahiwatig na maliligtas sa kalungkutan
- BULGAR

- Nov 7, 2018
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Tess ng Tess _Chua@facebook.com
Dear Professor,
Kagabi ay nanaginip ako tungkol sa lalaki na nakaputi.
Napakatamis ng kanyang mga ngiti at may kasama siyang bata. Ano ang ibig sabihin nito?
Salamat!
Naghihintay,
Tess
Sa iyo Tess,
Isang lalaki na disente at maganda ang pinagkakakitaan ang nakita mo, siya rin ay masasabing successful.
Ayon sa iyong panaginip, ang lalaking nakaputi ay ibibigay sa iyo ng kapalaran upang iyong maging gabay patungo sa tagumpay.
Ito ay upang matakasan mo ang kahirapan. Sa makalumang pag-aanalisa ng panaginip, siya ay tinatawag na “the prince of life”.
Pero sa makabagong panahon, siya ay simpleng tinatawag na “the savior from your dreams”.
Kaya ililigtas ka niya mula sa kalungkutan, anuman ang sanhi ng iyong lungkot tulad ng kahirapan, kawalan ng asenso sa buhay at marami pang iba.
Ang bata sa panaginip mo na kasama niya ay hindi aktuwal na bata kundi, bagong pagkakataong nagsasabing tuluyan ka nang magkakaroon ng buhay na masagana at mismong siya ang magdadala nito sa buhay mo.
Tulad ng pangkaraniwang bata, ito ay dapat na inaalagaan at hindi pinababayaan, kaya ang ibibigay sa iyo na bagong oportunidad ay alagaan mo at huwag mong pababayaan. Ingatan mo ito tulad ng ginagawang pag-iingat sa mga bata, gayundin, mahalin mo ito.
Sa negosyo, kapag bago pa lang ito, ang may-ari ay tutok na tutok. Kumbaga, hindi niya ito hinahayaan, bagkus, tinitingnan ang mga pangangailangan at binabantayan.
Sa ganyang pananaw ng panaginip, asahan mong hindi ka mabibigo basta huwag kang tutulad sa ibang mga negosyante na lumaki ang ulo dahil inakala nilang hindi na sila mauubusan ng pera.
Basta ang paalala sa iyo, huwag kang tutulad sa kanila.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments