Search
  • BULGAR

HOTSHOTS, LUMIPAD SA SEMIS GINEBRA, SEMIFINALIST NA


PINATALSIK ng Magnolia Hotshots ang Blackwater Elite matapos sikwatin ang 103-99 panalo kagabi sa quarterfinals ng 2018 Philippine Basketball Association, Governors’ Cup sa Araneta Coliseum. Nagtala si Paul Lee ng 22 points at 12 rebounds para sa Pam­bansang Manok Hotshots na lumipad na agad sa semifinals.

Twice-to-beat ang Mag­nolia kaya isang beses lang nila kailangang talunin ang Elite. Umarang­kada agad ang Hotshots sa first quarter, hinawakan nila ang 32-22 bentahe.

Nakalamang ng dalawa ang Elite sa second period kaya natapyasan sa walo ang kanilang hinahabol, 47-55 sa halftime.

Samantala, target ng Phoenix Fuel Masters at Alaska Aces na sumampa agad sa final four pagharap nila sa magkahiwalay na katunggali ngayong gabi sa Cuneta Astrodome.

Hahara­pin ng No. 2 Fuel Masters ang No. 7 Meralco Bolts sa 4:30 p.m. habang katapat ng third seed Aces ang No. 6 San Miguel Beer sa 7 p.m. Parehong may hawak na twice-to-beat bonus ang Phoenix at Alaska.

Ibinigay ang insentibo sa top 4 teams pagkatapos ng 11-game elimination round kaya bawal kumurap ang Bolts at Beermen at kaila­ngan nilang manalo upang humaba ang kanilang buhay.

Sasandalan ng Fuel Masters ang kanilang import na si Eugene Phelps upang sikwatin ang importanteng panalo, makakatuwang niya sina locals, Calvin Abueva at Matthew Wright.

Saman­tala, sa ikalawang laro, tinalo ng Ginebra Gin Kings ang NLEX Road Warriors sa iskor na 111-75 upang ga­nap na pumasok sa semifinals. Bumida sa laro si Japeth Aguilar sa 18 puntos. (ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.