Halina't tikman ang bagong bonggang Shakey's smoked salmon pizza
- Thea Janica Teh
- Nov 7, 2018
- 1 min read

HELLO, Bulgarians! Mula sa Fire House Pizza, Belly Buster, Texas Chicken BBQ, Louisiana Shrimp Pizza, Scallop Primo at Angus Burger Pizza, muli na namang tayong pinatakam ng Shakey’s dahil sa kanilang bagong pizza at ito ay ang Smoked Salmon (with the silent L) Pizza!
Ang all-time favorite ng mga Pinoy na kainin, may bagong flavor na namang matitikman na super out-of the box at may unique taste! Pinagsama-samang mozzarella, cream cheese at ang smoked salmon with the twist of lemon pa! Sobrang swak na swak sa panlasa ng mga Pinoy at siguradong makakasama sa listahan ng kanilang favorite flavor ng pizza!
Hindi lang ‘yan, dahil kasabay ng paglulunsad ng bagong flavor ng pizza ay ipinakilala na rin ang bagong mukha ng Shakey’s at ito ay si Ms. Alex Gonzaga! Makakasama na rin siya ni Luis Manzano na magbibigay ng ngiti sa ating mga labi dahil na rin sa Shakey’s pizza!
Nakatutuwang napagsama-sama ng Shakey’s ang mga high end ingredient sa iisang pizza na super affordable pa! Kaya kung gustong matikman ang bagong Smoked Salmon Pizza at iba pang flavor, sugod na agad sa pinakamalapit na Shakey’s o i-dial ang 77-777 o mag log-on sa www.shakeyspizza.ph para maka-order!
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments