• MC / Clyde Mariano

GYMNAST YULO, MAY AYUDANG P1.2-M SA BRONZE, PATI ANG GAP


PINAPURIHAN ng Philippine Sports Commission si artistic gymnast Carlos Edriel Yulo dahil sa nakopong bronze medal bilang first medal finish ng Pilipinas sa nagdaang 48th World Artistic Gymnastics Championships sa Aspire Dome sa Doha, Qatar. Tumapos ang 18-year-old na si Yulo ng 14.600 points para sa bronze medal sa men’s floor final noong Nob. 2, upang maging unang Pinoy at Southeast Asian athlete na makatuntong sa podium finish sa torneo.

“We at the PSC are more than happy for the historic achievement Yulo has done for the country,” ayon kay PSC Chairman William Ramirez. Sa bisa ng Board Resolution No. 1138-2018, nabiyayaan ng PSC Board si Yulo at ang Gymnastics Association of the Philippines ng halos P1.2 million pinansiyal na tulong at airfare assistances sa kompetisyon na nagsimula noong Okt. 19 –Nob. 4. “Caloy has been a one of our consistent athletes that is why the PSC has been very supportive of his efforts,” idinagdag ng agency chief.

0 views0 comments
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.