Search
  • BULGAR

Dagdag-pasahe sa jeep, tagilid?

TILA laban-bawi o dagdag-bawas ang magiging ek­sena sa inaprubahang taas-pasahe sa jeep.

Kaugnay ito sa nakatakdang pag-uusap ng Board kung saan maaaring matalakay ang fare hike.

Nauna nang nagpahayag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na posibleng repasuhin ang P2 dagdag sa minimum na pamasahe sa jeep.

Ito ay makaraang sabihin ni Department of Transportation Sec. Arthur Tugade na dapat pag-aralang muli ng LTFRB ang naging pasya nito.

Matatandaang, inaprubahan ng ahensiya ang P10 pasahe sa jeep dahil sa sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Gayunman, kapansin-pansin na sa nakalipas na apat na linggo, non-stop naman ang rollback sa gas.

Kaugnay nito, ang sigaw ng mga commuter, ibalik sa dati ang pamasahe.

Sadyang hindi maiiwasan ang ganitong usapin dahil sa panahon ngayon, bawat piso ay mahalaga.

Hindi ba’t, nakakahiya at nakakakabang sumakay sa jeep nang kulang ang pamasahe, kahit piso?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.