Search
  • Joy Repol Asis

Bagyo sa Italy, mga pinoy safe

INIHAYAG ni Department of Foreign Affairs (DFA) officer Domingo Nolasco na walang Pilipino ang nasawi sa pananalasa ng bagyo sa Italy.

Ani Nolasco, ligtas umano ang nasa 168,000 Pinoy na naninirahan sa Italy.

Ngunit, pinaalalahanan din nito ang mga Pilipino na nasa Italy na manatiling nakaalerto at i-monitor ang galaw ng bagyo.

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer Cato sa pamilya ng 29 na nasawi sa kalamidad.

Kasalukuyang nakaalerto ang Embahada ng Pilipinas sa Roma, Consulate General sa Milan at Honorary Consulate sa Venice upang bantayan ang lagay ng mga Pilipino sa Italy.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.