Search
  • BULGAR

Aktres, parang nanay na lang daw… LAPLAPAN NINA ANGEL AT TONY, NAKA-8.5 MILLION VIEWS NA

Ador Saluta / ADORE ME!

Malaking tulong ang tila makatotohanang love scenes at laplapan ni Angel Aquino at ng young actor na si Tony Labrusca para umakyat na sa 8.5 million views as of November 6 simula nang ipasilip nu’ng Nov. 3 sa social media ang trailer ng unang digital movie ng Dream­scape Digital na Glorious na pi­nagbibi­dahan sa unang pagka­ka­taon nina Angel at Tony.

Siyempre pa, ‘di makapani­wala at overwhelmed si Angel sa naging reaksiyon ng mga tao sa kanilang soon-to-be released movie sa IWant App ng ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat ang aktres sa mga naging curious at nag-aabang na sa Glorious.

“Sarap naman to wake up to this wonderful news!!! Thanks to everyone who got curious! Thanks all for the generous compliments and support!” sabi ng aktres sa kanyang post.

Iniimbitahan naman ni Tony sa kanyang IG post ang kanilang mga supporters na malapit nang mapa­nood ang Glorious sa IWant App simula sa November 17.

Curiosity nga naman ang nagtulak sa 8 million plus viewers na masilayan ang tila nanay na nakikipagtalik sa klasmeyt ng kanyang anak.

Dito nakalamang si Direk Connie Macatuno dahil pam­bihirang relasyon ang kanyang pinagtuunan ng pansin kesa sa To Love Some Buddy na tila kinasawaan na ng madlang pipol ang tema ng said rom-com film na pinag­bidahan nina Zanjoe Marudo at Maja Salvador kaya balitang nila­ngaw sa takilya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.