Search
  • BULGAR

Utol ng aktor na si Ria, kaya todo-tanggol sa kanila… MAINE, IPINAKILALA NA NI ARJO SA PAMILYA

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAPOS ang sunud-sunod na paglabas nina Dubsmash Queen Maine Mendoza at Arjo Atayde na nagresulta sa kanilang ‘dating’ rumors dahil nakita silang magkasama sa isang resto sa Makati at sa isang bar sa BGC, Taguig nu’ng Halloween, mukhang nag-level-up na sila.

Ang latest, namataan naman daw kasi silang magkasama ngayon sa Bali, Indonesia. Kalat na ang mga litrato sa social media na galing din sa mga social media updates ng dalawa.

Wala man silang picture na magkasama, pinag-ugnay-ugnay ng mga netizens ang mga update pictures and videos mula sa kani-kan­yang Instagram account at maki­kitang nasa iisang lugar lang sila.

Mukhang naipakilala na nga ni Arjo si Maine sa kanyang pamilya dahil birthday trip ito ng aktor na nag-celebrate kahapon (November 5) ng kanyang kaarawan at maki­kitang ang mga kasama niya ay ang kanyang kapatid na si Ria Atayde at pinsang si Gab Atayde kasama ang kanilang malapit na kaibigan na si Alex Godinez, na pamangkin ni Martin Nievera.

Kaya pala todo-tanggol din si Ria sa kanyang kapatid sa pamamagitan ng pagtu-tweet about love and relationships nang umugong ang balitang pagde-date ng dalawa dahil mukhang botong-boto siya sa Dubsmash Queen para sa kanyang kapatid.

Aniya, “If a guy and girl are both single, they should be able to date whoever they want. And a genuine sign of support is if you let them, if you accept it and if you become happy for them even if they don’t go for the person you’re rooting for. Just my two cents.”

Well, ang pag-amin at pagkum­pirma na lang nina Arjo at Maine sa nababalitang relasyon nila ang inaabangan ngayon ng lahat.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.