Search
  • BULGAR

Tinawag na masyonda na, balyena at basag ang boses… REGINE, TUTULUYAN ANG BASHER NA NANLAIT SA KANYA

Len Ramos Llanes / ISKUP

WE came across an item kung saan nabanggit na seryoso talaga ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez in pursuing an action against sa netizen na nang-bash sa kanya at tinawag siyang masyonda na, balyena at basag ang boses.

The action would be based of course in the so-called cyber bullying law. Kaya pinupursige kuno ng kampo ni Regine na makuha ang identity ng naturang basher.

Sa isang usap-usapan however, may nagbanggit tungkol sa pinagmulan ng pamba-bash kay Regine at ito nga ay nu’ng mag-transfer siya sa Kapamilya Network. Bali-balita rin kasing may mga matatanggal sa isang show ng ABS-CBN sa pagpasok ni Songbird.

And in a statement given by Regine, medyo naging defensive ito nu’ng i-announce niya na magka­karoon nga ng reformat sa A.S.A.P.. But she clarified na hindi ito dahil sa pagpasok niya.

Matagal na kunong balak i-reformat ang naturang programa at nagkataon lang na isinabay na ito sa pagpasok niya sa Dos. So, totoo nga na may maaapektu­han na ilang performers dito.

Natural na magkaroon ng ilang negative reactions on the part of those na matatanggal sa naturang programa.

Hindi mo naman masisisi si Regine. She is such a big and talented performer kaya sinasamantala rin ng network ang kanyang presence. Such a grand welcome was never given to other singers who transferred to Kapamilya Network.

Siyempre, maiaalis mo ba ang sinasabing inggitan sa mundong ito, lalo na sa entertainment world?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.