Search
  • Jersey Sanchez

SPY, habambuhay kulong

HABAMBUHAY na pagkakakulong ang naging hatol sa opposition leader sa Bahrain na si Sheikh Ali Salman matapos mapang guilty sa salang pag-eespiya sa Qatar.

Ibinaba ng Court of Appeals ang nasabing pasya matapos ipawalansala ng Bahraini High Court of First Tier si Salman sa kasong “collusion” o pakikipagsabwatan.

Dismayado ang human rights group na amnesty sa desisyon kontra kay Salman.

Una nang inakusahan si Salman noong 2011 sa pakikipag-ugnayan nito sa Qatar upang magsagawa ng mga pagkilos na kontra sa gobyerno.

Maliban kay Salman, hinatulan din ng life sentence ang mga kasamahan nitong sina Hassan Sultan at Alu al-Aswad.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.