Search
  • BULGAR

May third party daw… KRING-KRING, UMAMIN SA PROBLEMA NILA NG MISTER

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

MASAMANG-MASAMA ang loob ni Tacloban Mayor Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Ro­mualdez sa umiikot na items ngayon sa mga tabloids. Nagsimula lang sa blind item na tumutukoy sa paghihiwalay nila ng kanyang mister na si Alfred Romualdez ang lahat. Pero, nagkaroon ng iba’t ibang version at may ilang nasulat na diumano, may involved na third party sa parte ni Kring-Kring.

Hindi ito maganda para sa imahe niya bilang public servant at very much married with kids. Inaalala rin ni Mayor Kring-Kring ang magiging epekto nito sa kanyang parents at mga kapatid.

Hindi naman ikinakaila ni Kring-Kring na may pi­nag­da­ra­anan silang problema ng kanyang mister. Natural lang ito sa mga mag-asawa kahit nga 20 years nang nagsasama at ma­lalaki na ang mga anak.

And as a mother and wife, sinikap niyang alagaan at isalba ang kanilang marriage sa abot ng kanyang makakaya. Pakiusap na lang niya sa lahat ay huwag na­mang sirain ang kanyang pagkatao lalo’t hindi naman na siya kakan­didato sa 2019 elections.

Sumusumpa si Kring-Kring na walang third party sa kanyang side. May mga tsikang umiikot na ang kan­yang mister ang may “bagong pag-ibig” na taga-Tacloban din.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.