Search
  • BULGAR

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG UMUNLAD AT YUMAMAN SA SUSUNOD NA TAONG 2019

Maestro Honorio Ong

Dear Maestro,

Sobrang hirap ng bu­hay namin ngayon kaya hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. May tin­dahan naman kami, kaya lang mahina ang benta.

Ang mister ko ay tray­sikel driver at ma­baba lang ang kita niya, kaya madalas ay kapos pa rin kami para sa mga pa­ngangailangan namin.

Naisipan kong sumang­guni sa inyo upang humi­ngi ng payo kung paano giginhawa ang buhay na­min?

Ano ba ang aming ma­susuwerteng kulay at de­korasyon?

Gayundin, anong araw at taon giginhawa ang aming bu­hay? Octo­ber 9, 1985 ang birthday ko at December 18, 1983 naman ang mister ko.

Umaasa,

Kasmir ng Bangcal, Meycauayan, Bulacan

Dear Kasmir,

Nagkataong pareho ka­yong taong nuwebe (9) ng mister mo dahil ang birth date na 18 ng mister mo (1+8=9) ay 9 din.

Bukod sa pareho kayong nagtataglay ng birth date na 9, kayo rin ay kapwa nag­tataglay ng des­tiny number na 6 kung saan ang October 9, 1985 ay may kabuuang kompyutasyong gani­to: 10+9+1985=2004/ 20+04=20+04=24/ 2+4=6.

Habang, ganito naman ang kabuuang kompyu­tasyon ng birth date na De­cember 18, 1983 ng mister mo: 12+18+1983=2013/ 20+13=33/ 3+3=6.

Kaya, masasabing may dalawang mahiwagang pla­netang pumapatnubay sa inyong relasyon ng mister mo, ito ay ang planetang Mars na may numerong 9 at ang planetang Venus na may numerong 6.

Tandaan mo na ang pla­netang Mars ang ruling pla­net ng mga taong nuwebe (9), na nangangahulugang pula ang pinakamasuwerte nin­yong kulay dahil pula ang kulay ng planetang Mars.

Kaya ang unang solus­yon upang umunlad at gu­minhawa ang inyong buhay ay palagi kayong magsuot at gumamit ng kulay pula, puwede rin kayong magsuot ng mga bato na kulay pula lalo na kung ipalalamuti ninyo ito sa silver na sing­sing.

Ang ikalawang solusyon upang umunlad ay ang pag­kain dahil ang destiny num­ber ninyong 6 ay may ruling planet na Venus, ang masu­werteng bagay ay ang masa­sarap na pagkain na dapat ninyong ihalo sa inyong mga paninda.

Puwede rin ang masa­sarap at malinamnam na tinapay at iba pang sitsirya. Basta ang key word ay ma­sa­sarap at malinamnam na pagkain, ito ang mga pro­duk­­tong magpapaunlad sa in­yong kabuhayan hanggang sa tu­luyan na kayong yu­maman.

Ang ikatlong solusyon upang umunlad ay kung may bakanteng lote sa harap ng inyong bahay, mag­tanim kayo ng mga bulak­laking halaman.

Basta ang importante, pagandahin at gawin nin­yong romantic ang inyong bakuran upang mabuhay ang inyong libido na siya namang hihigop ng dagdag pang mga suwerte at ma­ga­gandang kapalaran habang patuloy kayong nagsasama at nagmamahalan.

Ang ikaapat na solus­yon upang umunlad, kaila­ngang may pintura ang in­yong bahay, gayundin ang inyong tindahan dahil kaila­ngang malinis at magan­dang ting­nan ang inyong kapaligiran upang tuluy-tuloy nang pu­ma­sok ang mga suwerte at magagandang kapalaran sa inyong buhay.

Ang ikalimang solusyon ay dapat mong pa­natilihin ang iyong lagda, pero si­mulan mo sa sign na “$”. Sa ganyang lagda, mag­sisimula na kayong umunlad at yu­maman.

Habang, ang ikaanim at panghuling solusyon upang umunlad tulad ng kasalu­ku­yang nangyayari, huwag ka­yong mag-aaway at palagi kayong magmahalan.

Gawin ninyong pugad ng pagmamahalan ang in­yong tahanan. Kailangan ding regular kayong nagta­talik nang sa gayun ay palagi kayong ganado sa isa’t isa.

Samantala, ayon sa De­cadens ng Kapalaran, sa sandaling sinusunod ninyo ang mga simpleng rekomen­dasyong inilahad sa itaas, tiyak ang magaganap sa su­sunod na taong 2019, sa edad mong 34 pataas at 36 naman ang mister mo, mag­sisimula na kayong maka­ahon sa kahirapan hanggang sa tuluy-tuloy na kayong umunlad at yumaman.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.