Search
  • Pabs Hernandez III

Kelot tinodas ng lolo

CAMARINES SUR—Isang lalaki ang namatay nang saksakin ng isang 64-anyos na lolo, kamakalawa sa Bgy. Inapatan, Nabua sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Felisimo Mediado, samantalang, ang suspek ay si Aproniano Toldanes, kapwa residente sa nasabing bayan.

Nabatid na nag-iinuman umano sina Mediado at Toldanes nang magkaroon ng pagtatalo kaya sinaksak ng suspek ang biktima.

Dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, nakatakda nang sampahan ng kasong murder ang suspek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.