Search
  • BULGAR

BLAZE SPIKERS, MAGPAPATATAG FOTON AT MOVERS, ABANGERS


PAKAY ng reigning champion Petron Blaze Spikers na mapanatili ang katatagan ng team sa sandaling makasagupa na ang mapanganib na Generika-Ayala sa Philippine Superliga All-Filipino Conference na magbabalik laro sa Filoil Flying V Centre ngayon.

Magsisimula ang aksiyon ng 6 p.m. kasunod ng bakbakan sa pagitan ng Foton at Cignal ng 2 p.m. at F2 Logistics at ng Sta. Lucia sa 4:15 p.m. sa ikalawang laban.

Makaraan ang solidong paghahanda nitong off-season, humalimaw ang Blaze Spikers nang tigpasin nila ang batang Cocolife squad, 25-18, 25-15, 25-18, sa opener ng liga.

Nagparamdam ng lakas si veteran Aiza Maizo-Pontillas habang mababangis namang mga porma ang ipinakita ni Frances Molina nang makarekober mula sa injury na dating nagpa-sideline sa kanya sa Asian Games at AVC Asian Women’s Cup ng nakaraang ilang buwan.

Gumawa si Pontillas ng 14 points habang si Molina ay may 10 hits para sa Blaze Spikers na kumontrol ng laban mula simula hanggang matapos.

Sinabi ni Molina na kahit sila ang may hawak ng titulo, walang pressure ang kanilang pagsalang. “Although we’re the defending champions, we’re playing without any pressure and we’re just here to enjoy the game,” ani Molina, amg skipper ng powerhouse Petron. “We have always prepared for every opponent and we are ready to give our best shot every game.”

Gayunman, ang Lifesavers ay hindi madaling kasagupa. Sa kabila ng 25-20, 21-25, 14-25, 25-19, 5-15 na pagkatalo sa Foton Tornadoes, nagpakita ng improvement ang Generika-Ayala Lifesavers, salamat sa floor defense nina liberos Kathleen Arado at Bia General maging ang quality defenders na sina Patty Orendain, Bang Pineda at Fiola Ceballos.

Ang tanging setback nila laban sa Tornadoes ay ang turnovers lalo na sa krusyal na peryodo ng laban. “Petron is a powerhouse squad. We have to work on our turnovers if we want to prevail over them,” ayon kay Generika-Ayala coach Sherwin Meneses, kung saan ang tropa niya ay nakagawa ng 42 points sa Tornadoes. Tiyak na magpapalakas ang Cargo Movers na pakay ding makabawi ng korona na naagaw sa kanila ng Blaze Spikers ng nakaraang taon.

Sa pamumuno nina Aby Maraño, Cha Cruz, Kim Fajardo, Kianna Dy at Majoy Baron, mamartsa nang malupet ang Cargo Movers at Sta. Lucia squad, na hindi pa rin lalaro si injured Filipino-American spiker Mar-Jana Philips. (MC)

Team Standings: Petron 1-0; F2 Logistics 1-0; Smart 1-0; Foton 1-0; Cignal 1-1; Generika-Ayala 0-1

Sta. Lucia 0-1; Cocolife 0-2

Laro Ngayon: (FilOil Flying V Centre)

2:00 p.m. - Foton vs Cignal HD

4:15 p.m. - F2 Logistics vs Sta. Lucia

6:00 p.m. - Petron vs Generika-Ayala

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.