Baha sa Italy, 29 na ang patay
TUMAAS pa sa 29 katao ang nasawi sa malakas na pag-ulan at pagbaha sa Italy.
Sa ulat, sinabi ni Interior Minister Matteo Salvini na kasama na rito ang 12 katao na binawian ng buhay sa Sicily.
Ayon sa Fire Brigade, siyam dito ay miyembro ng dalawang pamilya na kumakain nang biglang lumubog sa baha ang kanilang bahay sa dahilang umapaw ang ilog na kalapit nito.
Nahanap na ng divers ang bangkay kung saan dalawang bata na nasa edad isa at tatlo.
Nitong nakalipas na linggo nagsimula ang hagupit ng malakas na hangin at pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa bansa.





Comments