- Jersey Sanchez
Yoga studio niratrat, 2 dedbol
DALAWA ang patay at pito ang sugatan matapos ang isang pamamaril sa yoga studio sa Florida, U.S.A.
Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Scott Paul Beierle, 40-anyos. Hindi pa alam ang motibo sa likod ng pamamaril at hindi pa ito nagbigay ng anumang detalye.
Nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na agad makipag-ugnayan kung sakaling may makapagbibigay ng impormasyon kaugnay ng insidente.
Kasalukuyan pang nagpapagaling ang mga biktima sa ospital.
0 comments