Search
  • Jersey Sanchez

Para sa mga mahihilig mag-travel diyan, read n‘yo, ‘to, dali! DEATH THEMED CAFE, PATOK!

NAUUSO na nga­yon ang mga cafe na may iba’t ibang klase ng tema tulad ng cat cafe, dog cafe, toilet cafe at ma­ra­mi pang iba. Ka­dalasang nakatu­tuwa ang mga te­mang naiisip ng mga negosyante upang makuha nila ang atensiyon ng mga tao at tangkilikin ang kanilang negosyo. Ngunit, isang cafe sa Thailand ang may kakaibang tema na patok sa mga taga- rito at maging sa ibang mga turista.

Ito ang Kid-Mai Death Cafe kung saan ang tema nito ay death o kamata­yan. Ang nasabing cafe ay mukha talagang lama­yan kung saan itim ang kulay na nangingibabaw. May mga dekorasyon ding bulaklak na talaga na­mang makapagpa­pa­ram­dam sa atin na tayo ay nasa burulan.

Samantala, ang ilang menu rito ay may panga­lang “ageing”, “pain­ful”, “illness” at “death”. Isang kabaong din ang naka­latag sa loob ng cafe kung saan kung sinuman ang mahihiga rito ay maka­kakuha ng 20% discount sa kahit anong bibilhin at kakainin.

“Are you ready if you sleep tonight and never wake-up again?”, “Even­tually, you can bring no­thing”, ilan lamang ito sa mga karatula na naka-display sa loob ng cafe na talaga namang na­kakikila­bot at nakakatakot. May­roon ding papel at ball­pen na maaari nating sulatan ng gusto nating maging kapalaran.

Ayon sa mga owner ng Kid-Mai, ginawa nila ang cafe na ito upang matang­gap ng mga tao ang pa­giging mortal at upang ma-inspire ang mga pu­mupunta rito na i-enjoy ang bawat pangyayari sa kanilang buhay dahil wa­lang sinuman ang nakaa­alam kung kailan ito ma­tatapos. Kaya kung kayo ng mga kaibigan mo, eh, ma­hihilig sa kakaibang gimik, malamang ay mae-enjoy ninyo ang ganitong klase ng mga pakulo. Kaya ano pa ang hinihin­tay ninyo? Gora na, mga beshy! He-he-he!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.