Search
  • BULGAR

Pambansang Bae, 'di na talaga ma-reach, Maine… ISANG RELO NI ALDEN, MILYONES ANG HALAGA!

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

WOW, big time na talaga at hindi na ma-reach ang Pam­bansang Bae na si Alden Richards!

Maraming fans at netizens ang nanlaki ang mata sa nai-post sa Instagram na suot na relo ni Alden na Panerai Submersible Luminor 1950 3 Days Power Reserve Automatic Bronzo, na ayon sa nakalagay na amount ay P1,632,490.

Sa estado ngayon ng Pambansang Bae na kaliwa’t kanan ang endorsements, concerts abroad at mga out of town shows at may regular series pang Victor Mag­tanggol, hindi naman kataka-taka kung ma-afford na niya ang bumili nang milyones na halaga ng relo.

Hardworking si Alden at deserve naman niyang regaluhan ang sarili niya ng mga bagay na gusto niyang bilhin at magpapasaya sa kanya.

Saka wala naman siyang girlfriend na gagastusan, kaya kung hindi sa pamilya niya, siyempre, sarili niya ang bibigyan niya ng reward sa lahat ng pagpapagod niya, ‘no!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.