Search
  • BULGAR

Pahiwatig na aasenso, matutukso at liligaya

Socrates Magnus

Salaminin natin ang panaginip ni Gael ng Gael_ For­bes@facebook.com

Dear Professor,

Madalas akong managinip na napapadaan daw ako sa tabin-dagat, pero bundok ang kinatatayuan ko, kasama ko ang aking anak, pero bigla rin siyang nawala.

Madalas din akong managinip na tinutuklaw daw ako ng cobra.

At nitong huli, binigyan daw ako ng sapatos ng asawa ko, sobrang dami na parang hindi na nauubos. Gayundin, iba’t ibang klase ang mga ito, may doll shoes, rubber shoes, high heels at halos lahat yata ng klase ng sapatos.

Ano ang ibig sabihin ng mga ito?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Gael

Sa iyo Gael,

Ang napapadaan sa tabin-dagat, pero ang kinatatayuan ay bundok ay panaginip ng aasensong tao at dahil siya ay asensado na, mangangarap siyang libutin ang buong mundo, kumbaga, siya ay magiging manlalakbay at pupunta siya sa iba’t ibang bansa.

Ang tinutuklaw ng cobra ay napapanaginipan naman ng mga taong matutukso. Samantala, ang maraming sapatos na iba’t ibang klase ay napapanaginipan ng mga gustong ma­masyal at magsaya sa buong mundo, kumbaga, hindi pupunta sa ibang bansa para magtrabaho kundi para magsaya lamang.

Dahil dito, ang iyong mga panaginip ay nagbibigay ng garantiya na sobrang uunlad ang iyong buhay na puwede ring masabi na ikaw ay sobrang yayaman. Sa biglang tingin, mag­kakaroon ka ng masarap na buhay at dahil dito, kailangan mong malaman na rito sa mundo, hindi dahil sa sinabing yayaman ka ay hindi ka na maghihirap pang muli.

Kumbaga, hindi garantiya na ang mayaman ay nananati­ling mayaman. Dahil kung oobserbahan mo ang ilang ma­yayaman, makikita mo na marami sa kanila ang muling nag­hirap. Ang tanong, bakit?

Ito ay dahil inaakala nilang dahil sa marami na silang salapi ay hindi na mauubos ang kanilang yaman. Sa huli, sila ay nagsisisi dahil ang kayamanan pala ay nakukuha sa pag­sisinop, pagpapahalaga at pag-iingat sa kanilang mga ari-arian at sa kanila mismong yaman.

Kaya madali lang namang malaman kung totoo na ang mayaman ay puwede talagang maghirap. Dahil kahit ngayon, kapag hindi mo pinahalagahan ang pera mo at hindi ka na­ging masinop, ikaw na mismo ang magsasabing, mauubos kaagad ito.

Kaya ipinaaalala ng iyong panaginip na ikaw ay totoong yayaman at matatakasan mo ang hirap ng buhay. Pero muli, isabuhay mo ang pagiging masinop nang sa gayun ay hindi ka matulad sa maraming mayaman na kuwento na lang ang natira at sila ngayon ay mahirap at nagsisisi na.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.