top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

P32 M sports car na b-day gift sa GF, ayaw kagatin… KALAT NA! JAMES, GUMIMIK LANG DAW PARA PAG-USAPA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2018
2 min read

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang bonggang regalo na ibinigay ni James Reid sa kanyang onscreen and off-screen partner na si Nadine Lustre nu’ng birthday nito.

Nitong October 31, ipinagdiwang ni Nadine ang kanyang 25th birthday sa The Island Bar sa BGC, Taguig na dinaluhan ng ka­ni­lang malalapit na kaibigan, kasama na ang Careless Music team na kinabibilangan ng JaDine at nina Sophia Romualdez, Curtis­mith, Astro Kidd, Massiah at Bret Jackson.

Katulad ng nakagawian, isa itong Halloween-themed birthday celebration at lahat ay may kani-kanyang costume. Si Nadine ay naka-costume ng HIM na kontrabida sa anime series na The Powerpuff Girls.

Nahuli ni Andrei Suleik, ka­ibigan at photographer ng Ja­Dine, ang reaction ni Nadine nang ipinakita ni James ang kanyang regalo sa aktres, na ipinost niya sa kanyang Instagram stories.

Makikita sa video na bu­ma­ba si James Reid sa puting sports car na Ferrari 488 habang gulat na gulat ang aktres.

Dito nagsimula ang espeku­lasyon ng mga fans na regalo nga ito ni James para sa kan­yang GF dahil pambabae raw talaga ang color at hindi hilig ng dalawa ang pagso-show-off.

Narito ang ilang comments ng mga netizens:

lorygabriz: “Sa kanila po talaga ‘yan, wow! Ferrari, ganda naman, you and James deserve ‘yan. Sobrang hard­working couple n’yo ! Enjoy lang nadz!”

nikkaroed: “@angelgodani OMG!! Iba talaga si Nadine!!!”

aliyah__2547: “@bretita18 ‘yan din iniisip ko wala sa tipo ng dalawa ang pa-show off”

lolitaangeles: “Amazing! Nice car first I thought it’s Lamborghini? Thanks James for nice gifts to your lovely wifey and god bless both of you.”

bretita18: “Sa tingin ko, oo parang gift niya kay Nadz kasi sinorpresa niya, eh. Tsaka ang color pambabae talaga. Ala­ngan naman din if manghiram sila for personal use. Siguro kung pictorial lang or mv shoot, puwede hiram.”

Ayon sa isang reliable source na na­pag­­tanungan namin, nasa P32 million ang halaga ng naturang sports car.

Dahil dito, marami ang nagdududa kung kaya na raw ba talagang bumili ni James Reid ng ganito kamahal na sports car.

Ang tanong, iniregalo ba ta­laga niya ito sa kanyang GF o gimmick lang para pag-usapan ang kanilang love team dahil tahimik ang career nila ngayon?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page