Search
  • Green Lantern

MAY BUKAS PA

MADEHADO ng bahagya ang mga nanalong kabayo noong Sabado, may mga outstanding favorite na nanalo pero mga silip, naliyamado sa mismong takbuhan kaya dehado sa Winner- Take- All.

Maganda ang dibidendo ng 1st WTA na umabot ng P48, 433.00 maging sa pangalawang WTA ay boundary ang dibidendo dahil nagbigay pa ng P17,045.00.

◘◘◘

Habang tumitipa ako, tumugtog sa radyo ang “May Bukas Pa” naalala ko tuloy dati, ito ang palaging pinapatugtog sa loob ng karerahan kapag may nanalong dehado.

Opo, Rest In Peace kay Idol Rico J. Puno, siya ang kumanta ng May Bukas Pa, minsan na rin siyang nag-guest sa karerahan at nag-alay pa ng kanta.

At alam n’yo naman mga tropang karerista na pangalan din ng kabayo ang May Bukas Pa, 2010-11 ito madalas magpanalo.

Nawala man si idol Rico, hindi na rin tumatakbo si May Bukas Pa ay posible pa rin nating marinig ang kantang “May Bukas Pa” sa karerahan.

◘◘◘

Malapit na ilarga ang malalaking karera kaya panigura­dong naghahanda na ang mga horse owners at trainers kaya pati tayong mga karerista ay maghanda na rin, mag-aral ng mga takbuhan para makasilip pagdating ng araw ng karera.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.