Search
  • BULGAR

Kaya dehins mo na raw kailangang mag-worry kung mababa ang tolerance mo, lodi! REDEE PATCH, EPEKTIB

Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

DEHINS ka ba madalas uminom ng alak, beshy, da­hil mababa ang tole­rance mo rito? Oks lang ‘yan dahil knows ba ninyong may bagong naim­bento ang mga eks­perto na tiyak na magpapaligaya sa inyo?

Ito ang tinatawag na Re­dee patch kung saan kapag idinikit ito sa katawan ng taong iinom ng alak ay tiyak na hindi siya mamumula at magkakaroon ng amats.

Ayon sa mga nakadis­kubre nito, ang Redee patch umano ay may antioxidant na glutathione na sinamahan pa ng acetaldehyde na nagiging harmless acetate.

Sa pag-aaral noong Ja­nuary 2018 mula sa Cam­bridge University sa UK, natuklasan nila na ang ace­tal­dehyde ay nakada-da­mage sa DNA blood cells at chromosomal.

At dahil sa pamumulang ito ay napipilitan ang ilan na uminom ng antihistamines tulad ng Zantac at Pepcid AC nang sa gayun ay ma­bawasan ang kanilang pagpa-palpi­tate.

Gayunman, sinabi ng founder na si Ryan Lee na ang layunin talaga nila ay ang ma­bawasan lang ang heartburn medi­cations, pero hin­di nila inaasahan na may iba pa itong benefits na maibibigay sa ating katawan.

Ang Redee patch ay may iba’t ibang presyo de­pende sa kung ilang piraso ang nilalaman ng isang pa­kete. Mayroong 6 na piraso kung saan ito ay nagka­kahalaga ng $11.99 habang ang 30 piraso naman ay mabibili sa halagang $39.99.

Samantala, marami na ang nakabili nito kung saan masasabi talaga nilang epek­tibo ang produkto at hindi nasayang ang ipinambili nila rito.

At dahil noong March ay nagsimula nang ibenta ang nasabing patch, marami na ang gumagamit nito lalo na ‘yung mga madalas na nasa gimikan. He-he-he!

Kaya naman para sa mga lodi natin diyang ma­baba ang tolerance sa alak, mestiza o mestizo kuno, try n’yo na ‘to nang sa gayun ay dehins na kayo tatanggi sa mga lakad ng barkada.

Always remember na mahalaga ang nag-e-enjoy sa buhay habang bata pa!

Copy?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.