BATAAN AT CEBU, PATULOY ANG WINNING STREAK SA DATU CUP


NAGPATULOY ang tikas ng mga koponan ng Bataan at Cebu at napanatili nila ang winning runs noong hatinggabi ng Sabado sa MPBL Datu Cup, at ang huli nilang tagumpay ang nagbigay sa kanila ng tsansa para sa playoff berth.
Naglaro sa harap ng dinumog na crowd sa People’s Center ng Balanga, Bataan, itinumba ng Bataan Risers ang Pasay Voyagers, 77-60, nang pangunahan ni Rob Celiz ang panalo sa 16 puntos.
Ang dating pro player na minsang naglaro sa Blackwater Elite sa PBA at Alab Pilipinas sa ABL ay nakasunggab ng 8 rebound at 5 assists at ang around plays niya ang inasahan ng Risers, na sumungkit din ng ikalimang panalo sa kanilang balwarte.
Ang pagpalawig ng tagumpay sa 11 panalo ay nakasolo sa liderato ng Bataan, pero ayaw ni head coach Jojo Lastimosa na makita ang team na hanggang doon na lamang. “We want to see how far we can go,” dagdag ni Lastimosa. “Either as a player or as a coach, you don’t want to feel contented on what you’ve achieved, because in reality, we haven’t achieved anything yet.”
Totoong hindi pa naaabot ng tropa ni Lastimosa ang halfway stage ng napakahaba pang bakbakan sa elimination phase kung saan ang bawat team ay kinakailangang maglaro ng tig-25 games. Sa kinamadang 11-1 win-loss record, iyon ang pinakamatindi at pinakamabilis na streak sa sumikat na regional amateur basketball league na itinatag ni Senator Manny Pacquiao katuwang si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.
Ang 11-game winning streak ay pinakamahaba rin sa anumang team sa liga. Tulad ng Bataan at Cebu, sinakmal din ng Sharks ang Pasig Pirates, 56-53.
Ito ang ikaapat na diretsong panalo ng Sharks na umibayo na ngayon sa 5-8 ang win-loss record. Ang Pasig City na may pinakamasamang record ay may 10 nang talo sa 12 laro. (MC)





Comments