30 sasakyan inararo | 15 PATAY SA KILLER TRUCK
- Jersey Sanchez
- Nov 5, 2018
- 1 min read
DEDO ang 15 katao at apatnapu ang sugatan matapos ang salpukan sa toll gate ng expressway sa Lanzhou City sa lalawigan ng Gansu sa China.
Ayon sa ulat, nasa tatlumpu’t isang sasakyan ang nawasak dahil sa aksidente.
Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang trak hanggang sa inararo nito ang iba pang mga sasakyan.
Ang drayber ay hawak na ng pulisya habang patuloy pang iniimbestigahan ang aksidente.





Comments