Search
  • BULGAR

‘Di big star pero sobrang choosy… ALESSANDRA, INISNAB ANG P2 M TF BILANG ENDORSER NG ALAK

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

HINDI man masasabing big time movie star si Alessandra de Rossi, na-maintain naman niya ang kanyang prinsipyo at karapatang maging choosy sa kanyang mga projects at maging sa kanyang love life.

Iba ang status niya bilang aktres. May mga acting awards siyang puwedeng ipagmalaki. At ang nagawang box office record ng pelikulang Kita Kita katambal si Empoy Marquez ay isang malaking tagumpay na puwede niyang ipagmalaki kahit kanino.

Wala mang titulong Superstar, Megastar, Diamond Star o Star for All Seasons, hindi naman basta puwe­deng dedmahin ang mga naging achievements ni Alex (palayaw ni Alessandra) bilang aktres.

Maging sa mga endorsements ay hindi siya basta tanggap nang tanggap. Marami ang labis na nanghi­hinayang nang tanggihan ni Alex ang endorsement ng isang brand ng alak na ang TF ay P2 million.

Ang katwiran ni Alex ay hindi siya umiinom ng alak kaya parang hindi makatotohanan na maging endorser siya ng nasabing produkto.

Tanggap ni Alessandra na marami ang kumokontra sa kanyang pagiging choosy pagdating sa mga pro­jects. Ma­ging sa kanyang personal na pakiki­pag­relasyon ay mapili rin siya kaya kahit madalas ay single siya ay mali­gaya na­man dahil gusto niya ang ginagawa niya.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.