U.S.-China meeting, positibo
- Joy Repol Asis
- Nov 4, 2018
- 1 min read
MAGANDA umano ang naging pag-uusap sa telepono nina U.S President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.
Ayon sa pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Lu Kang, tinalakay ng dalawa ang trade deals ng dalawang bansa at ilang mga isyu.
Nagkasundo umano ang dalawang lider na palakasin pa ang economic exchanges.
Nag-anunsiyo si Pres. Trump sa kanyang Twitter account ang pag-uusap nila ni Xi at tinawag niya itong “very good conversation”.





Comments