Pusher todas sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Nov 4, 2018
1 min read
LAGUNA—Isang drug pusher ang napatay sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. San Gregorio, San Pablo City sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Celso Tuyugan, nakatira sa bayan ng Alaminos sa nasabing lalawigan.
Nabatid na darakpin sana ng mga awtoridad sa drug-bust operation si Tuyugan, pero bigla nitong pinagbabaril ang pulisya.
Agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments