- BULGAR
Para sa mga madalas malagasan ng buhok diyan, read n‘yo ‘to, dali! PAGKUSKOS SA MGA KUKO, EPEKTIB NA
Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

DEHINS na keri ang panunukso ng iba dahil sa sobrang paglalagas ng buhok? Don’t worry, lodi, dahil may naisip ang mga siyentipiko na simple at epektibong paraan upang maagapan ang pagkalagas nito. Wow!
Ayon kay Bruce Wills, ang pagkalagas umano ng buhok ay isang paraan upang masabi nating isa tayong tao.
Bagama’t, kapag ang buhok ay hindi na tumutubo, may ilan sa atin ang nababawasan ang self-confidence dahil ang buhok ang tinatawag na crowning glory dahil ito ay nakadaragdag ng ganda sa ating pisikal na hitsura.
Kaya naman upang hindi na mamroblema ang ilan sa atin, nakaisip ang mga siyentipiko ng paraan na walang gagastusin, pero epektibo para sa atin.
Ito ang rubbing nails o ang pagkuskos sa mga kuko, ang kailangan lang nating gawin ay pagtapatin ang ating mga palad at pagdikitin ang mga kuko at saka kuskusin ang mga ito.
Maaari itong gawin ng 2 hanggang 3 beses kada araw sa loob ng 5 hanggang 10 minuto.
Ang technique na ito ay nakape-prevent ng excessive loss of hair, pamumuti ng buhok at naibabalik nito ang natural na kulay ng ating buhok.
Kaya naman don’t hesitate to try this, mga beshy, lalo na at hindi na ninyo kailangan pang bumili ng mga hair product na napakamahal para lang mapanatiling maganda ang inyong buhok.
Have a long and shiny hair! Hi-hi-hi!