• BULGAR

Lodi, biglang dumami ang fans… CESAR, NAGSALITA NA SA VIRAL VIDEO SCANDAL NIYA

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

Photo: Screenshot from the video

NAGSALITA na si Cesar Montano kaug­nay ng viral video niya kung saan may makikitang babaeng nakahubo’t hubad na naglalakad sa background niya habang gumagawa siya ng video greetings.

Nagpadala ng mensahe si Buboy sa kanyang matalik na kaibigang si Dolly Anne Carvajal at sinabing umabot na sa libo ang nagri-request sa kanya na gawan sila ng aktor ng video birthday greeting, pero hindi raw niya ito ma­pagbibigyan dahil gusto ng madlang pipol na naka-focus sa background kesa sa kanya ang video na gagawin.

May mga nag-request din daw sa kanya na sana ay voice-over na lang ang video greetings habang nagsu-zoom-in sa background ang video.

Aniya, “Bff, you won’t believe that I get thousands of requests for video birthday greetings.

“But the thing is, I can’t grant their requests to focus on the background instead of me. And a hundred other requests are for my voice-over greeting only so the video will zoom-in on the background (laughs).”

Ipinost din ni Arnold Clavio ang birthday video greetings sa kanya ni Cesar kung saan ginaya nito ang kan­yang viral video, pero take note, clean version ito.

Pagbati niya kay Igan, “Konsehal, Igan! Happy birthday! ‘Wag mong kaka­limutan na may Buboy na nagmamahal sa ‘yo. God bless you, more power! Sorry, walang background, ah!”

Nilagyan ito ni Igan ng caption na: “This is it!!! Best birthday greeting. Wait until the end! Thank you @cesar_montano. [smiley face ang thumbs up emoji]”

Mukhang pati si Buboy ay ginawa na ring katatawanan ang sarili niyang video. Ano naman kaya ang nasabi ng babaeng nasa background? Hindi kaya siya nainis dahil ipinakita na nga ng aktor ang kanyang katawan sa madlang pipol, pinagtawanan pa siya nito?

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.