BURNETT HANDA NA VS. LEGEND, DONAIRE KAYA PA BA ANG BATA?
- BULGAR

- Nov 4, 2018
- 1 min read

MAGBABAKBAKAN na ngayong araw sina World Boxing Super Series bantamweight fighters Ryan Burnett (19-0) at Nonito Donaire (38-5).
Sumampa kahapon sa timbangan sa Lomond Auditorium ang humpak na si Nonito Donaire at tumipa siya sa bantamweight limit na 118 lbs. pero naroon ang alinlangan .
“Nonito Donaire,” ang sigaw ng master of ceremonies na si Tuuka Koistinen at tumingin ito sa timbangan ni Donaire, …one hundred and 17 pounds and seven ounces.”
Pinagpawisan ang lahat, kasado na! Babanat si Donaire sa bantamweight na halos pitong taon na dati niyang laban. Sabi ni ‘Filipino Flash’ na may isang salita siya at hindi sasablay sa kanyang timbang.
Napangiti lamang si Ryan Burnett sa kabilang banda kasunod ng preliminary check at tumimbang kasama si trainer Adam Booth, rumehistro siya sa eskala na 117.8 lbs.
Mataas ngayon ang excitement sa World Boxing Super Series (WBSS) at muling masusubok ang Pinoy Filipino Flash sa ibabaw ng ring makaraan ang ilang mga taon na nabakante sa naturang timbang. (MC)





Comments