Search
  • ROMA AMOR

Bebot na feeling confused kung saan maninirahan


Dear Roma,

Ako si Karla, 22 years old. Sobrang nalu­lungkot ako dahil lahat ng pinsan ko ay pupunta na sa Canada, pero kami ay dito pa rin sa Pilipinas maninirahan. Ayaw kasi ng mga magulang ko na sa ibang bansa kami tu­mira kahit puwedeng-puwede na­man dahil nan­doon na ang iba naming mga kamag-anak. Iniisip kong sumama sa mga pinsan ko kahit mahi­walay ako sa aking pa­milya. Tama ba ang ga­gawin ko? — Karla

Karla,

Alam mo, iha, nasa sa iyo ‘yan, kung gusto mong sa ibang bansa manirahan, lalo na at may ka­ka­yahan naman pala ang pamilya mo na pati­rahin ka ru’n, ituloy mo ang gusto mo. Ang magi­ging problema lang dito ay kung papayagan ka ba ng mga magulang mo at kung kakayanin mo bang malayo ka sa ka­nila. Ang maipapayo na­min sa iyo ay pag-isi­pan mo ito nang mabuti bago ka magdesisyon. Good luck at God bless!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.