top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

ROAD WARRIORS, MANIOBRA SA 7TH Q’FINAL SEAT, O ROS HIHIRIT?

Clyde Mariano / ATD
Nov 3, 2018
2 min read

MATAPOS gunitain ang All Souls Day, muling babalik ang mga PBA players sa court para tapusin ang natitirang dalawang araw na laro sa Governor’s Cup elimination kung saan puntirya ng NLEX Road Warriors na kunin ang pang pitong quarterfinal seat kontra nasibak nang Rain or Shine E-Painters ngayon sa Araneta Coliseum.

Haharapin ng Road Warriors ang ROS ng 4:30 p.m. na susundan ng labanan ng San Miguel Beermen at Meralco Bolts ng 6:30 p.m. Kung mananalo ang NLEX sa ROS, magsasagupa ang sister teams TNT at Bolts para sa huling quarterfinal seat. Tabla ang TNT at Bolts sa kartadang 4-6.

Kung mananalo ang Bolts sa SMB mapupunta sa Bolts ang huling quarterfinal seat at laglag ang TNT. Kung matatalo ang Bolts at manalo ang TNT, makasasagupa nito sa elimination ang topnotcher Barangay Ginebra sa huling araw ng elimination sa Nob. 4 na gagawin sa Big Dome, maglalaban ang Bolts at TNT sa 8 and last quarterfinal seat.

Mahalaga ang panalo ng NLEX sa RoS na maglalaro nang walang key players at iyan ang dapat iwasan ni NLEX coach Yeng Guiao ang maiwasan ang playoffs sa pagitan ng TNT at Bolts sa huli nilang laro.

Nasa pang pito ang NLEX hawak ang 5-5 record at kailangang kunin ng Road Warriors para umabanse sa next round. Kung mananalo ang SMB mapupunta sa kanila ang 6th quarterfinals slot. Hawak ng SMB ang kartadang 6-4.

Ang Barangay Ginebra (8-2), Magnolia (8-3) at Alaska (8-3) ang top three teams habang maghaharap ang Phoenix at Blackwater Elite na parehong hawak ang 7-3 records sa huling slot sa top 4.

Kailangang pag-igihan ni Aaron Fuller ang kanyang laro at akayin ang NLEX sa next round ayon sa kagustuhan ni coach Guiao. Nakahandang umalalay sina Larry Fonacier, Raul Soyud, Alex Mallari, JR Quiñahan, Kenneth Ighalo at ang 6-11 veteran Fil-Tongan na si Asi Taulava.

Pinapaboran ang SMB kontra Meralco at muling sasandal si coach Leo Austria kina Kevin Murphy, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter Arwind Santos, June Mar Fajardo at Chris Ross. Ang RoS, North Port at Columbian Dyip ay out na at ang NLEX, TNT at Meralco ang mag-aagawan sa last at eight quarterfinal seat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page