Search
  • BULGAR

Paggunita ng Undas, sinabayan ng pagkakalat, tsk-tsk-tsk!

MAKALAT! Ganito natin mailalarawan ang paggunita ng Undas.

Sangkatutak na basura ang iniwan ng mga nagsidalaw sa ilang sementeryo, partikular sa mga pampublikong libingan.

Nagkalat ang mga styro, papel, bote, sigarilyo at kung anu-ano pang plastik na basura.

May mga basurahan naman, hindi pa rin makuhang magtapon nang maayos.

Taun-taon, iniaasa sa mga street sweeper at volunteer ang paglilinis sa mga basura.

Isa lamang ito sa maraming pagkakataon na napatutunayang balahura talaga ang iba. Walang disiplina, hindi marunong mahiya.

Siguro sa mga susunod na pagkakataon, dapat ay mas lalong higpitan ng mga awtoridad ang usapin sa kalat.

Kasabay ng pag-iikot para sa seguridad ng mga nasa sementeryo, bantayan na rin ang mga balasubas. Kailangang mapanatili ang kalinisan.

Ang sementeryo ay himlayan, hindi basurahan!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.