Search
  • Jersey Sanchez

Lalo na raw kung maraming magbibigay sa kanila ng treats… PAGTI-TRICK-OR-TREAT, MAY MASAMANG EPEKTO

PARA sa mga momshie natin diyang may bagets na mahilig mag-trick-or-treat, knows ba ninyo na maaaring maging “entitled” ang mga anak ninyo na mabigyan ng special treatment dahil sa tradisyong ito?

Noong 2014, naitala ng U.S census na halos 40 million mga kabata­an na na­sa edad 5 hang­gang 14 ang nagti-trick-or-treat sa U.S. Ang trick-or-treat ay gina­gawa ng mga ba­ta tu­wing ma­­­lapit na ang Undas kung sa­an sila ay nag­su­suot ng costume at naglilibot sa iba’t ibang lugar upang manghingi ng mga kendi, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay may nakapagbibigay sa kanila.

Kaya naman ayon sa mga eksperto, ang trick-or-treat umano ay nagbibigay ng interpretasyon sa mga kabataan na mang­hingi na lamang at hindi na magbigay.

Samantala, sa pag-aaral noong 1935 na nai-published sa Spokane Daily Chronicle, ang pagsasagawa umano ng trick-or-treat ay naging isang gimik at paraan ng pamba-blackmail sa mga tao na hindi dapat i-tolerate ng karamihan.

Dagdag pa ng mga eksperto, ang pagkatok at paghingi ng treats na may kasamang biro o totoong pananakot daw ay maaaring maka-develop ng pagiging maramot at entitlement sa mga ka­bataan, gayundin, ito ay hindi magandang makaugalian.

Samantala, ayon sa Restored Church of God ministry, ang trick-or-treat ay da­pat na mag­turo sa ka­bataan ng pagiging matiyaga. Kaya naman ang sabi ng mga eksperto, may mabuting naidudulot din ang trick-or-treat sa mga bata, ngunit, kailangan ding mabigyan ng pansin ang negatibong epekto nito nang sa gayun ay maagapan bago pa man kalakihan.

Pero, mga momshie, hindi ipinagbaba­wal ang pagti-trick-or-treat ng mga bagets, ha? Ngunit, mainam na pangaralan sila tungkol sa mga bagay na gusto nila na dapat ay pinaghihirapan at pinagta­trabahuhan.

Copy?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.