Kahit plastikan pa more… JANELLA AT ELMO, NAGSAMA ULI PARA SA DATUNG
Nitz Miralles
Nov 3, 2018
1 min read

NATULOY umalis sina Elmo Magalona at Janella Salvador para sa mga shows nila sa Canada kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa group picture ng apat, kita ang awkwardness nina Elmo at Janella lalo nang pinagtabi sila.
Nakangiti man ang dalawa, mapaklang ngiti at may distansiya sa pagitan nila. Patunay ‘yun na may isyu talaga sa kanila, pero mapupuri mo sina Elmo at Janella dahil nagpakapropesyonal sila.





Comments