2 tulak tiklo sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Nov 3, 2018
1 min read
LAGUNA—Dalawang drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. San Juan, Kalayaan sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga suspek na sina John Mark Cupas at Rosauro Solleza, kapwa residente sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na sina Cupas at Solleza na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments