Search
  • Pabs Hernandez III

Wanted na killer timbog

BATANGAS CITY—Isang wanted na killer ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Libjo sa lungsod na ito.

Ang suspek ay nakilalang si Mark Anthony Bugayong, residente ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na dinakip ng mga awtoridad si Bugayong sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan ng Batangas.

Hindi nanlaban si Bugayong nang arestuhin ito ng pulisya sa nasabing lugar.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.