Search
  • Clyde Mariano

VILLANUEVA, KAMPEON SA ICTSI SUMMIT POINT WORLD GOLF


HABANG ginugunita ng mga Pinoy ang All Souls Day bilang paggalang sa mga namayapang nilang mga mahal sa buhay, sa kabilang dako sa Lipa City muling bumalik kay Dino Villanueva ang sigla ng kanyang laro nang pumalo ng pangalawang sub-par 66 at nanatili sa solo lead sa ICTSI Summit Point World 18 Challenge Golf.

Nagtala ang 34-anyos ng Cagayan de Oro ng 2 rounds 133, apat na strokes lamang kay Janne Kaske ng Finland umakyat sa pangalawang puwesto 137 matapos hu­ma­taw ng 66.

Nagbanta ang kanyang mga kalaban subalit sobrang tatag na hinawakan ang pamumuno sa pamamagitan ng solidong laro sa second round. “Hindi ako nanalo mula nang sumali ako. Sana manalo ako at sumaya ang Pasko ko sa taon ito,” sabi ni Villanueva na pang 53rd sa Order of Merit na may mahigit $2,000 ang panalo.

Ang pinakamagandang finished ni Villanueva ay sixth place sa Bacolod ng naka­raang Agosto na napanalunan ni Japan-based Juvic Pagun­san.

Umakyat din si dating national player Jobim Carlos, No. 1 sa Order of Merit na may $39,406 panalo, sa pangatlong puwesto na 139 kasama ang second round 70, sinundan nina Justin Quiban at Taiwan’s Tsung Chieh Wang na parehong lumikom ng 140 kasama ang 70 at 69, ayon sa pagkasunod.

May 53 golfers sa 94 starters ang umabante sa final 36 holes sa seasoned ending tournament na pinanga­siwaan ng PGA-Asia.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.