Search
  • BULGAR

Todo-displey ng katawan, 'di raw kapanta-pantasya… HIRIT NG MADLANG PIPOL: KRIS, 'DI KA SEXY

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

MIXED ang reaction ng mga netizens sa recent post ng Ka­pu­so actress na si Kris Bernal kung saan nakasuot siya ng two-piece swimsuit.

Sobra raw skinny o “Paya­tollah Khomeini” ang beauty ni Kris at hindi naman mata­tawag na sexy. Hindi raw pag­papan­tasyahan ng mga kalalakihan ang katawan niyang halos buto’t balat na lang.

Dapat daw ay medyo magdagdag ng weight ang bida sa Asawa Ko, Karibal Ko upang magkaroon ng sex appeal. Maliit na nga ang body built niya, wala pang kalaman-laman. Anorexic beauty na nga ang tawag sa kanya ng ilang kakilala.

Pero depensa naman ni Kris, natural na maliit ang kanyang bone structure. Hindi naman bothered si Kris sa panlalait ng mga bashers. Maligaya siya sa kanyang pangangatawan at very healthy naman siya sa ngayon.

Kung marami man ang hindi tanggap ang panga­ngatawan ni Kris, wala na siyang magagawa pa. Basta nagagawa niya ang kanyang mga showbiz commitments. Hindi nagpapaapekto si Kris sa ginagawang body shaming ng mga bashers. Okey naman ang rehistro niya on TV.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.