Search
  • Pabs Hernandez III

Pusher tiklo sa buy-bust

KORONADAL CITY—Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Zone 4 sa lungsod na ito.

Kinilala ang suspek na si Kim Mark Trespeces, nakatira sa bayan ng Surallah, South Cotabato.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.

Nakapiit na si Trespeces na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.