- No Problem
Lalo na ngayong sembreak at uso ang pagbabakasyon, besh! MGA PARAAN UPANG MASIGURADONG LIGTAS NGAYON

ARAW ng mga Patay ngayon, ibig sabihin, sembreak o bakasyon na rin, pero upang masigurong safe ang inyong bakasyon, narito ang ilang tips sa inyo nang sa gayun ay makaiwas kayo sa mga kawatan at manloloko.
1. REMEMBER TO LOCK YOUR DOORS. Dapat talagang ikandado lahat ng pinto at bintana ng bahay sa tuwing aalis nang sa gayun ay hindi ito pasukin ng mga magnanakaw. Lalo na kung matagal ang bakasyon at walang maiiwanan o magbabantay sa bahay.
2. ASK THE NEIGHBOR TO WATCH YOUR HOUSE. Kung mayroon naman kayong mabait at mapagkakatiwalaang kapitbahay, beshy, okay din kung ibibilin ninyo ang inyong bahay sa kanila na tingnan-tingnan muna habang wala kayo kung may nagmamasid o may naghahanap ba sa inyo.
3. PUT AWAY THE SPARE KEY. Mainam din na dalawa o higit pa ang susi ng bahay, para in case na mawala ninyo ito ay mayroon pa kayong panibago o reserba.
4. KEEP QUIET ABOUT YOUR TRAVELS ON SOCIAL MEDIA. Huwag masyadong mag-post sa social media tungkol sa pag-alis ninyo nang sa gayun ay makaiwas sa mga kawatan na madalas na pala kayong inaabang-abangan o minamatyagan.
5. LOCK UP YOUR VALUABLES AND SENSITIVE DOCUMENTS. Samantala, ang mahahalagang dokumento, pera at mga gamit ay ilagay sa lugar o lagayan na masisiguro ninyong safe upang kung sa kasamaang-palad na malooban kayo, eh, hindi pa rin nila makukuha ang mga ito.
Oh, ayan mas mae-enjoy ang bakasyon kung alam ninyong safe pa rin ang mauuwian ninyong bahay. Have a safe trip, mga beshy!
Copy?