Lalaking may dalang bomba nasabugan, todas
- Jersey Sanchez
- Nov 2, 2018
- 1 min read
PATAY ang 17-anyos na binata nang sumabog ang dala nitong bomba sa opisina ng FSB federal security service sa north-western city ng Arkhangelsk, Russia.
Tatlong empleyado ang sugatan at maraming napinsala sa nangyaring pagsabog.
Miyembro umano ng grupong anarcho-communist ang suspek.
Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang sumabog ang dalang bomba ng suspek nang ilalabas na niya ito mula sa kanyang bag.
Samantala, itinuturing ni Governor Igor Orlov na isang uri ng terrorist attack ang insidente.





Comments