Search
  • BULGAR

LAGUNA AT PAMPANGA, GINISING ANG KOPONAN SA MPBL DATU CUP


PAGDATING sa sariling balwarte hindi nagpahuli ang Laguna at Pampanga upang magawang ipanalo ang laro laban sa kani-kanilang karibal at manatiling gising ang kanilang team para sa playoff berth sa MPBL Datu Cup sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Umiskor si Raymond Ilagan, ang power forward para sa huling 4 puntos at manaig sa Krah- supported squad sa bisa ng 76-72 na panalo laban sa kulang na sa tao na Mandaluyong El-Tigre-Dataland.

Nakakadikit pa ang kanyang team sa 73-72, nakatanggap si Ilagan ng court pass mula kay Michael Mabulac at saka itinarak na niya sa mid-range jumper sa kanang bahagi ng papaupos na 19 segundo.

May tsansa na ngayon ang El Tigre para sa ilang birada, pero sumablay si Josan Nimes sa game tying triple sa kaliwang bahagi pero nag-rebound si Ilagan at na-foul. Nagpakawala siya ng free throw sa final tally.

Naglaro ang Mandaluyong nang wala ang kanilang key players na naglalaro ngayon sa Alab Pilipinas sa ABL- kasama sina Ray Parks, Prince Rivero, JP Alabanza, at magkapatid na sina Axel at Thomas Torres. Ang El Tigre ay naglaro nang wala sina Mac Cuan, assistant coach na nasa Alab at habang wala siya ang kapatid niyang si Japs Cuan ang humalili. Sa unang mga laro, natakasan ng Pampanga ang banta ng Navotas, 89-88 sa dikit na laban.

Ang dalawang team ay na-involve pa sa palitan ng players sa nakaraang ilang linggo at nagsukatan na ng kanilang mga lakas lalo na nina Levi Hernandez na ipinagpalit kay Marlon Gomez sa Lanterns.

Mahusay ang kanilang naging laro kabilang na ang 3 puntos na siyang bumuhay sa team. Pinalamang niya sa 88-86 sa 20 segundong papakulapsong oras. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.