Search
  • BULGAR

Hindi sila nakapaghanda sa digmaan na pataksil kung tumira... MAGING ANG MAGIGITING NA MGA PULIS AY


PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

NAGSAMPA ng pa­nibagong batch ng Deng­vaxia related criminal cases ang mga magulang at kaanak ng sampung (10) namatay matapos maturukan ng bakuna kontra dengue nang wa­lang screening, blood test at medical diagnostic tests. Hindi rin na-blood test kung na-dengue na o hindi pa ang mga ito, bago ma­turukan ng nasabing ba­kuna. Ang sampung (10) namatay ay sina Wiljen Alcontin, Elezar Brigoli, Kianah Mae Racuya, Adeline Castroverde, Joanina Cortes, Kris­cel Viaros, Glademier Juevesano, EJ Chris­tian Apa, Thrishanne Casona at SPO1 Vi­cente Arugay. Pito (7) sa kanila ay mga taga- Cebu na nabakunahan na pinalawig ng De­part­ment of Health (DOH) ang pagbaba­kuna sa Region 7.

Si SPO1 Vicente Aru­gay naman ay nabaku­nah­­an na pinalawig sa humigit-kumulang sa 12,000 Philippine Natio­nal Police (PNP) officers (as per Senate Blue Ribbon Trans­cript, 12/11/2017) sang-ayon kay Dr. Julius Lec­ciones ng Philip­pine Chil­dren’s Medical Center (PCMC). May mga taong nagsumite ng sinum­paang- salaysay para patuna­yan na nabakunahan nga si Arugay kahit hindi nabigyan ng Deng­vaxia card.

Negatibo naman ayon sa mga doktor, ang blood test ni Arugay sa leptospirosis ka­hit nakalagay ang lep­tospirosis sa death certificate na ginawa ng ospital kung saan siya na­matay. “Wa­lang ba­ha at pala­ging na­ka­sa­patos ang asawa ko noong Marso, 2018 bago siya ma­ospital dahil pala­ging ma­sakit ang ulo niya, tagi­liran, hirap sa pag­la­la­kad at sumusuka ng dugo. Kaya paano siya mag­kaka-lep­tospirosis?” ang tiniyak ng asawa ni SPO1 Arugay.

“Magsalita na sana at huwag ng matakot ang mga kasama niyang pulis na na­bakunahan para hindi ma­naig ang kasinungalingan ng ilan,”dugtong pa ng isang testigo. “Paano kaya naa­atim ng ilan na dustain pa ang mga biktima at pala­basing sinungaling ang mga ito bago malagutan ng hini­nga na sinasambit na na­bakunahan sila at walang card na ibinigay sa kanila?” ang matinding himutok na dugtong ng isa pa. “Isipin natin na ang kapulisan ay naging bahagi rin pala ng eksperimento habang nasa clinical trial phase 3 pa hanggang Nobyem­bre 2017 ang naka­pipinsalang baku­na. Hindi sila namatay sa tama ng bala o sa giyera, pero sa pamama­gi­tan lang ng hiring­gilya,” ang hi­nagpis ng mga ulila. “Walang “antidote” o pangon­tra sa side-effects ang gumawa ng baku­na”, ang dug­tong pa ng isa.

Ang nabanggit na mga pulis ay walang nagawa sa kalaban na hindi nila alam na nagkukubli pala sa isang mabagsik na bakuna. Hindi sila handa sa ganitong uri ng digmaan na pataksil kung tumira dahil hindi nila ito nakikita.

Napakasakit ng sinapit nila — maging sa giyera ng mga bansa ay hindi pinahi­hintulutan ang mga armas at sandatang nagdudulot ng walang katuturang pagpa­pahirap. Walang puwang ang ga­nitong uri ng torture at pan­lilinlang sa sibilisadong ug­nayan ng mga tao at bansa. At dahil nga nangyari na ang trahedyang ito, lalong wa­lang puwang ang pangu­ngunsinti at pagkukubli ng totoong pang­­yayari.

Hanggang kailan kaya ang paglaban ng resis­tensiya ng mga biktima laban sa bag­sik ng side-effects (anaphy­lactic allergic reaction, vis­cerotropism, neurotro­pism at increase in se­verity of dengue) na ina­min ng Sanofi noong ika-22 ng Disyembre, 2015 sa Food and Drugs Adminis­tration (FDA) sa submis­sion nito for authorization, pharmacovigilance, sur­­veillance plan? Sana, may antidote silang inihanda dahil nasa clinical trial pa pala ito!

Hindi bale, maghin­tay na lang tayo kung ano ang ak­siyon ng mga prose­cutor sa unang batch ng siyam (9) na namatayang pa­milya ng mga nabaku­nahan na na-torture sa ma­tinding sakit na naram­daman. Rest in peace sa first batch na kinabibilangan nina Anjie­lica Pestillos, Marc Axl Eboña, Jansyn Art Bataan, Zandro Colite, Lenard Bal­donado, Aejaj Bautista, Ab­bie Hedia, Alexzander Jaime at Rei Jazztine Alimagno. Sub­mitted for resolution na ang mga ito.

Magkaroon na sana ng katahimikan ang mga ka­luluwa nila na hanggang nga­yon ay patuloy na nagpa­pa­­ramdam dahil sa paghi­hirap na naranasan.

(Itutuloy)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.