DLSU ZOBEL, MALAKAS SA 13-U NG 31ST WBL NG BEST CENTER


NAGTALA ang De La Salle-Zobel ng back-to-back wins upang lumapit sa pagsilo ng 13-Under category sa 31st Women’s Basketball League (WBL) sa Xavier School gym nakaraan.
Hindi pa nakatikim ng talo, kinalos ng DLS-Z ang St. Stephen’s High School (0-1), 84-9 noong Sabado at pagbalik ng Linggo ay tinalbos ang Miriam College, 52-28 para sa kanilang pangatlong sunod na panalo sa five-team class.
May 1-1 karta ang Miriam College, nakuha ang panalo sa St. Pedro Poveda College (0-2), 58-31.
Pinagpag din ng DLS-Z’s 18-Under squad ang Miriam College (0-2), 58-34, upang manguna sa Group B na may 3-0 karta.
Malinis din ang karta ng Chiang Kai Shek College sa Group A sa tournament na inisponsoran ng Milo, tinaob nila ang University of Perpetual Help (0-2), 52-28.
Ang WBL ay inorganisa ng BEST Center (Basketball Efficiency and Scientific Center). (ATD)





Comments