Search
  • BULGAR

'Di raw sure kung magkakaanak pa si KC… SHARON, GUSTO PANG MAGPABUNTIS ULI KAY SEN. KIKO

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

IPINAGSIGAWAN ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ang kanyang plano ngayon na tinawag niyang “maitim na balak”.

Sa IG video na ipinost ni Megastar sa kanyang account, sinabi niyang miss na niya ang pagkakaroon ng baby sa kanilang bahay, kaya nag-isip siya ng plano para maisa­katuparan ito.

Ini-reveal niya sa madlang pipol ang kanyang “maitim na balak”, na hindi sabi­hin sa kanyang mister na si Sen. Kiko Pa­ngi­linan na dinadatnan pa rin siya ng buwanang dalaw at hindi pa rin menopause kahit may-edad na siya, rason para magkaroon pa sila ulit ng baby.

Aniya, “Since Kristina (KC Concep­cion), my eldest daughter, I don’t know when she plans to get married or when God intends to give her a child and I really miss having a baby in the house [so] my plan, you might be surprised, I’m not menopausal. I still get my monthly visitor. My plan is not to tell Kiko and just get pregnant.”

Dahil dito, hindi napigilan ng ibang net­izens na matuwa sa sinabing ito ni Megastar.

Sabi ni Netski027: “Hahaha! Naka­ka­tuwa ka naman talaga Mega dear. Sige, wait namin ‘yang plano mo. Go!”

Reallyrea_tmu: “OMG! HAHAHAHA­HA! ‘Yung maitim na balak talaga. Go, Mama! Push na po ‘yung maitim na balak. Dito lang po kami.”

Pula_8: “Hahaha! Go! Support ka namin jan mama mega…”

Ganunpaman, may ibang netizens ang hindi natuwa kay Mega dahil ma­tanda na raw ang aktres para magkaroon pa ng panibagong baby.

Miamori0117: “Tanda na”

Gadinganannekristine: “My God! Baka mahirapan ka nang manganak Momshie kasi you’re almost 50 na yata.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.